Kuha mula sa Marcos Highway, Campo Sioco, Baguio City. Ang mga bahay na eto ay sa Balsigan, Philam-Life, Hillside at Kias, PMA. |
Unang punta ko pa lang sa Baguio City, na-in-love na ako sa lugar. Kung tutuusin, masasabing love-at-first sight ang nangyari.
Nagustuhan ko ang amoy ng pine tree, ang fog na bumabalot sa kapaligiran, ang bonfires at higit sa lahat, ang malamig na klima.
Hindi na nakakapagtatakang sa Baguio na ako nag-kolehiyo at unang nag-trabaho. Dito ko napagtanto na katulad ng lugar, kaaya-aya ang ugali ng mga taong nakatira dito (at least iyong mga naging kaibigan at ka-close ko hanggang ngayon), hindi sila nagmamadali at totoong down-to-earth. Malalakas din silang uminom! Sinubukan ko na ring mag-abroad pero pagkatapos ng apat na taon, bumalik ulit ako sa Baguio.
Noong bumalik ako mula Singapore, wala halos magandang hanapbuhay sa Baguio kaya napilitan akong maghanap ng trabaho sa Maynila, mahigit 11 years na ako dito sa Maynila sa pinagtra-trabahuhan ko, pero sa Baguio pa din ako nakatira.
Kaya heto, every weekend, for eleven years, literal na paglalakbay ang buhay ko. Mabuti na lang, patapos na ang TPLEX at may De Luxe buses na, halos apat na oras na lang ang biyahe mula Maynila hanggang Baguio, partida na ang hindi ko maipaliwanag na sabay-sabay na road rehabilitation at traffic mula Rosales hanggang Sison, Pangasinan. Kung tapos na ang TPLEX by the end of 2014, pwede ng umuwi ng araw-araw sa Baguio - less than 3 hours na lang ang biyahe!
No comments:
Post a Comment