Monday, March 10, 2014

Uma - My Heart Dog

Si Uma sa garden ng nanay ko sa Pangasinan.

Noong nag-decide ako na bumalik na sa Pilipinas mula sa Singapore noong 2001 - sa Baguio City to be exact - nag-decide na rin akong kumuha ng "pet" na aso.

Mga December iyon ng sinamahan ako ng kaibigan ko na tumingin sa pet shop! (a word of warning huwag po kayong kumuha ng kahit anong pet mula sa pet shop more on this on succeeding blogs).  Ang hanap ko ay labrador retriever pero noong araw na iyon, ang available na puppy for sale ay isang golden retriever. Wala akong kaalam-alam sa golden retriever pero nung sinabihan ako na golden retriever ang aso ni Bill Clinton hindi na ako nag-dalawang isip pa.

Pinangalanan ko siyang Uma - dahil idol ko si Uma Thurman at blonde siya.

At dahil padalos-dalus akong kumuha ng pet, wala akong kaalam-alam sa pagiging responsible pet owner. Iniiwan ko siya ng matagal, mag-isa, at nakatali sa apartment ko.  Hindi ko siya na-exercise ng tama.  Kapag dumarating ako na may ihi at poop sa loob ng bahay, o nanira siya ng mga gamit, napapagalitan at nasasaktan ko siya.  May isang araw na suka na siya ng suka dahil nakain niya ang mga nasa basurahan.

Ngunit sa samu't-saring pagiging irresponsible owner ko, ang isinukli niya ay walang hanggang lambing at pagmamahal.

Nang mag-decide akong mag-trabaho sa Maynila ng 2003, sa unang araw ng work ko, Lunes January 6, nakawala siya mula sa kulungan at hindi mahanap.  Limang araw na siyang nawawala nung dumating ako ng Sabado, at nagpasya ako na hanapin siya sa huling pagkakataon - sabi ko sa sarili ko, she deserved it. Pumunta ako sa kaibigan ko, tinawagan ko ang lahat ng radio stations sa Baguio, at nangako ng reward na 10k!

Alas dose ng madaling araw, may tumawag nagbigay ng tip na mukhang ang nawawalang aso ay nasa bahay ng kaibigan niya.

Pinuntahan namin ang address kasama ang mga pulis at sa isang sulok nasumpungan ko si Uma, maga ang mga paa at nguso, halos hindi ko makilala, mabuti na lang may palatandaan ako sa kanya, dalawang "dropped" teeth sa lower jaw.  Bagama't hindi ako sigurado, kinuha ko pa rin siya.  Na-confirm ko na siya nga iyon dahil pagdating sa bahay, kinuha niya ang kanyang laruan, dinala sa sofa at natulog ng mahimbing na mahimbing, tumayo lang siya para umihi kinabukasan na!

Magkasama kami ni Uma ng mahigit anim na taon, dahil sa kanya natutunan ko ang pagiging responsible pet owner at ethical breeding.  Ngunit sadyang itinadhana yata na hindi kami magsasama ng matagal, nawala ulit siya noong Holy Week ng 2007 sa bahay ng nanay ko habang ako ay nasa trabaho, sa pagkakataong eto, hindi ko na siya nahanapan.  Halos dalawang taon akong hindi umuwi sa amin at matingan ang mga larawan niya.

Uma, kung saan ka man naroroon, maraming salamat at hinding-hindi kita makakalimutan!

No comments:

Post a Comment