Monday, March 10, 2014

Hello

Kung tutuusin, hindi dapat hello ang sinasabi kapag magpapakilala ka, una hindi eto tagalog, pangalawa, hindi ba dapat "kumusta po kayo?"  Pero nung iniisip ko kung ano ang title ng una kung post, "hello" ang unang pumasok sa utak ko, so hello sa inyong lahat.

Mahigit tatlong blog accounts na siguro ang nagawa ko noon pa, pero sa kasamaang palad, pagkatapos ng mga una o pangalawa kung posts, tinatamad na ako.

Pero lately, may sinabi sa akin ang kaibigan ko na magandang blog na basahin, nakaka-intriga ang profile niya, kaya binasa ko naman.  And yes, dahil sa mga blog niya, naisip ko ulit na mag-blog. Na-inspire niya ako. Gusto ko siyang magsulat at ang tema niya - kakaiba.

So sana, makapag-blog na nga ako ng tuloy-tuloy.

No comments:

Post a Comment