Si Zoey sa isang conformation dog show kung saang nanalo siya bilang painakamagandang babaeng golden retriever. |
Zero ang kaalaman ko ng magkaroon ako ng golden retriever.
Bumili ako ng librong “The Golden Retriever” ni Jeffrey
Pepper sa Bioresearch (mahigit isang libo!) at doon ko nalaman na ang golden
retriever (at lahat ng mga purebred dogs) ay ginawa para sa mga gagampanang
tungkulin o “purpose” at mga pamantayan ng ugali at katawan o “breed standard” na
magiging batayan upang makagawa ka ng “wise and informed breeding decision”. Hindi sinasabi sa breed standard ang kalusugan ngunit sa mga dog breeders ngayon, isang malaking konsiderasyon ang "genetic health" ng mga asong pinapalahian.
Pasado si Uma sa pamantayan ng ugali, mabait siya sa lahat
ng tao at hayop at masunurin. Pero bagsak siya sa “over-all looks” at katawan:
kulang siya sa laki ng ulo, medyo mahaba ang nguso niya, at hindi masyadong “ideal”
ang kanyang skeletal structure. Sa
madaling salita, hindi siya maaring manalo sa beauty contest ng mga aso o ang
tinatawag na conformation dogshow, at hindi dapat i-breed!
Pero dahil irresponsible pet owner ako noon, ginawa ko ang isang
mortal na kasalanan sa mga purebred dogs at responsible at ethical breeders,
pinalahian ko siya (ng tatlong beses pa!).
Dala na rin ng katiting na pagiging perfectionist ko siguro
at dahil “love” ko talaga ang golden retriever, naghanap ako ng aking
pang-dogshow.
Mga isang taon ang lumipas bago ako nakahanap ng isang
breeder na sikat at champion ang mga magulang ng puppy.
Siya si Zoey, ang kaunaunahan kong show dog.
Pero hindi pala ganun kadali ang mag-dogshow. Hindi dahil maganda ang parents, o sikat ang
breeder, o may pangbili ka, magkakaroon ka na ng maganda at ideal na conformation show dog.
To cut the long story short, napa-champion ko naman si Zoey,
pero ng dumami at lumalim na ang kaalaman ko sa "dog showing" at “ethical breeding”,
hindi si Zoey ang ideal “foundation bitch” ko (sa mga hindi nakakaalam “bitch”
ang tawag sa babaeng aso) - ang magiging nanay ng mga susunod ko pang i-sho-show at i-bre-breed.
Kung totoo kang responsible pet owner at ethical breeder,
may dalawa ka dapat na masasatisfy bago mag-breed:
1. Magandang
halimbawa ang aso mo ng kanyang lahi (isang batayan iyong nanalo siya sa
conformation dog show)
2. Wala siyang hip and elbow dysplasia at iba pang
mga inherited genetic diseases (specific to the golden retriever).
Hindi na-meet ni Zoey ang pangalawang napakahalagang batayan
ng ethical breeding.
Kaya masakit man sa loob at bulsa ko, pagkatapos ng mga
ilang-daang libong gastos para mapa-grand champion ko siya, nagpasiya akong
ipa-adopt siya at hindi na i-bre-breed pa.
No comments:
Post a Comment