![]() |
The Breaking Dawn Litter: (l-r) Max, Torch, Kirk at Bela. |
Ang cute ng kahit anong aso kapag mga tuta pa sila.
At dahil matigas ang ulo ko at sinabihan akong "walang problema", pinalahian ko si Zoey na wala pang hip at elbow clearances. Ending, hindi pumasa ang hips niya sabi ng Orthopedic Foundation for Animals, may mild dysplasia, ibig sabihin kapag tumanda siya, maaring magkakaroon siya ng masakit na hip joints at lalakad ng pa-ika-ika, at ang mas nakakatakot, maari niyang ipasa sa mga anak niya ang bone joint deformity na eto.
Nagkaroon siya ng apat na anak na binansagan kong The Breaking Dawn Litter dahil habang pinupunit ni Zoey ang mga placenta nila'y kasabay ding pumupunit sa dilim ang sinag ng araw.
Dapat ay lima sila, sa kasamaang palad, namatay ang isang babae limang araw pa lamang pagkapanganak. Ang mga naiwan ay pinangalanan ko na si Kirk mula sa Star Trek, Torch sa Fantastic Four, Max sa Where the Wilds Things Are, and Bela, siempre mula sa Breaking Dawn.
![]() |
Bela |
![]() |
Kirk |
![]() |
Torch |
![]() |
Max |
Ang heredity ay hindi kasiguraduhan na parang nakaukit sa bato. Kaya kahit ako, hindi ko masasabing ang mild dysplasia ni Zoey ang dahilan ng severe hip dysplasia ni Max, pero kung mga pag-aaral ang basehan, malaki ang posibilidad na maaring namana ni Max ang hip deformity mula sa nanay niya.
Sa madaling salita, hindi ang Breaking Dawn Litter ang dream breeding ko, pero isa etong malaking pagkakamali na nagpamulat sa akin sa napakabigat na responsibilidad ng isang dog breeder.
No comments:
Post a Comment